Prologue: Ang Kwento ni Toni Boboni

6 Sep

Ito ay paunang salita para sa kwentong itinakda maging napaka dakila-tungkol sa pag-subok, pag-asa at malamang, tagumpay.

Noong ako’y nasa kolehiyo pa, may isang partikular na taong umagaw sa aking pansin. Minsa’y naipanalo nya ang isang paligsahan na literal na nakatali ang isang kamay.

Si Toni Boboni

Nakatali ang isang kamay

Dahil kakaiba ang kanyang kwento, ninais kong isulat ito. Pinaalam ko sa kanya ang aking balak at tawang-tawa siya pero pumayag din.Inakala niya siguro na nagbibiro lang ako. Paano nga naman magkakaroon ng interes ang isang manunulat na tulad ko sa kwento ng isang tulad niya?

Lumipas ang mga araw at ang mga buwan pero walang kwento na nailathala. Sadyang may mga bagay-bagay na tila pumipigil para maisulat ang kanyang kwento. Marahil ito ay ang aking pagka ngingas-kugon o dahil lang talaga sa kawalan ng oras.

Kahit na ako’y napaniwala na rin na di na talaga maisusulat ang kwento ni Toni Boboni.

Pero nagkamali ako. Ang mga dakilang kwento nga pala ay may mga dakilang balangkas.

Nang dumating ang isang napakalaking dagok sa buhay ng aking bida, doon ko lang naintindihan na ang inakala kong magandang kwento ay isang bahagi lang pala ng mas malaki at mas magandang kwento.

Sa kasalukuyan, di pa pala natatapos ang kwento ni Toni Boboni.

Ano kaya ang kinahihinatnan nito? Maabot na kaya ang pinaka-inaasam na tagumpay? O madaragdagan lang ang mga balangkas na mas lalo pang magpapaganda sa kanyang kwento.

Abangan!

Advertisements

2 Responses to “Prologue: Ang Kwento ni Toni Boboni”

Trackbacks/Pingbacks

  1. Amazing People 2012 « Tilamsik ng Diwa - 03/01/2012

    […] Boboni was once featured in a post here. Of all the people I know, he deserves a very special recognition. His positive outlook in life is […]

  2. Amazing People 2012 « Read On - 04/30/2012

    […] Boboni was once featured in a post here. Of all the people I know, he deserves a very special recognition. His positive outlook in life is […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: